Mabuhay! Mga mare at pare!

May iba’t iba bang mga tanong na gumugulo sa isip mo?

Gaya halimbawa ng mga tanong na ito:

* Pwede pa kayang maging permanent residents sa Hong Kong ang mga foreign domestic helpers?

* Tutoo kayang maganda yung sabi sabi sa Central na aabot daw ng lampas P50,000 ang sweldo sa Dubai bilang sales lady? O kaya ay sa Russia na aabot daw hanggang US$1,500 to US$2,000 a month ang kita?

* Ano kaya ang negosyo na magandang pasukan sa Pinas para may kita naman don ang Mr ko at mga anak ko?

Ang mga sagot sa mga tanong na ito at iba pang mga isyu na malapit sa puso at isipan ng mga OFWs sa Hong Kong at ibang bansa, pati na mga mainit na usapin sa Pinas, ay matutunghayan sa forum na ito.

Kaya relax lang kayo, mga kaibigan.

Silip o bisita kayo sa forum na ito para masagot ang iba’t ibang tanong sa isipan nyo.

Pwede rin kayong sumulat sa jchk94@yahoo.com kung may tanong na personal o impormasyon kayong gustong malaman.

At sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ang inyong pangangailangan.

Ang inyong lingkod ay beteranong manunulat dito sa Hong Kong at Pinas (bago nagpunta dito gaya ninyo).

Kaya tayo ay mag tsikahan para masaya ang ating pansitan dito sa Hong Kong.

Mabuhay kayong lahat!

Advertisements

One thought on “Mabuhay! Mga mare at pare!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s