Paalis ka ba ng Hong Kong? Punta ka ba ng Dubai . . . o sa Mars?#%?

Image

“Kuya, maganda ba sa Dubai? Sabi kasi ng ka building ko e maganda raw don at aabot daw ng US$1,500 o US$2,000 ang sweldo at open daw kahit saleslady, di paris dito sa Hong Kong na hanggang kunyang ka lang.”

“Open din daw sa Russia at saka sa Israel. Pero Dubai sana ang gusto ko. Kung US$2,000 kasi ang sahod e halos 90,000 pesos buwan buwan na di pwedeng kitain dito. Kukunin ko na ba ito, kuya?”

Tuwing matatanong ako ng ganito, di ko alam kung ako’y tatalon sa harap ng MTR para alamin ko kung ako’y apo ni Superman. O kung kakarehahin ko ang Star Ferry mula Central papuntang Tsim Sha Tsui.

Ang hirap kasing sagutin ang tanong . . . . lalo pa kung ang kausap ko ay mukhang gigil na sa pangakong malaking kita sa trabaho sa ibang bansa na alok sa kanya.

Pag pera na kasi ang nangibabaw ay medyo mahirap ng paliwanagan ang isang taong humihingi ng payo. Lalo pa kung ang tao mismo ay mukhang hindi nag research kahit madaling madali ng gawin ito sa internet.

Pag nasilaw na kasi sa super laking perang pangako sa ibang bansa ay mukhang di nag-iisip ng mahusay ang iba nating kababayan kung tutoo nga o hindi ang pangakong magandang buhay at limpak na kita sa ibang bansa.

Tuwing nahihingan ako ng payo ukol sa isyung ito, ang una kong ginagawa ay hindi magpaliwanag . . . dahil mahirap ng makuha sa ordinaryong paliwanag ang isang taong silaw na sa limpak na pera.

Kaya nagbibitaw na lang ako ng ilang tanong. At hinahamon ko sila na sagutin nila ng tapat ang mga tanong at saka sila magdesisyon kung tutuloy sila ng pag-alis ng Hong Kong para mag cross country ikanga.

Ito ang mga tanong na bigay ko sa kanila:

1. Mabibigyan ka ba ng working visa bago ka pumasok sa bansang alok sa yo ng recruiter?

2. Kung walang working visa at tourist visa lang ang bigay sa yo, di ba’t ilegal ito para makapagtrabaho ka don?

3. Kung ilegal ang pasok mo sa bansang pupuntahan mo at mahuli ka dahil ilegal ang trabaho mo don, sino ang tutulong sa yo ng mabilisan? 

4. Bibigyan ka ba ng work contract bago ka pumasok ng bansang gusto mong puntahan gaya dito sa Hong Kong? O laway lang ang usapan ukol sa trabaho at sweldo?

5. Kung laway lang ang usapan, ano ang kasiguruhan mo na ang pangako sa yong limpak na sweldo ay talagang maibibigay sa yo?

Kung maging tapat sila sa sarili nila sa pagsagot sa mga tanong na ito, umaaasa na lang ako na sana ay nakatulong ako na di sila mapariwara o madisgrasya sa ibang bansang balak nilang puntahan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s