“Naku, day! Pakakasalan daw ako ng BF kong foreigner!”

Image

“Naku, day! Pakakasalan daw ako ng bf kong foreigner!”

“Sa wakas! Nagbunga na rin ang halos gabi gabi kong pagpupuyat hanggang sa madaling araw sa Facebook, Yahoo at iba iba pang social websites!”

Sumalosep!!

Napag isip isip kaya ng husto ni Pinay kung guni-guni lang o konkreto ang langit at walang katapusang ligaya na pangako sa kanya ni bf niyang puti o blondie ang buhok?

E, paano kaya kung drug addict pala si forenger? At naghahanap lang pala ito ng bagong punching bag – dahil wala na siguro itong makita sa Amerika o sa kung saang bansa siya galing? Okey sana kung idolo ni OFW si Pacman at sanay siyang sumalag sa 1-2-3 punch ng bago niyang partner.

At paano kung balak pala ni Kano o ibang forenger na ikuha si Pinay ng life insurance matapos niyang dumating sa US o sa kung saang bansa ng forenger niyang bf? At kung isang araw ay bigla siyang masagasaan ng pison at di na makontak ng kanyang mga kamag-anak, e, sino kaya ang kokolekta ng limpak na insurance money? Si Pinay kaya kung nasa tunay na heaven o purgatory na siya? Aber! Aber! Nangyayari ang ganitong krimen sa US at iba-ibang bansa. Madaling alamin ang mga ito. Mag type ka lang ng “life insurance & death scams in the US” sa www.google.com at marami kang mababasa ukol dito.  

At kung maikling panahon lang ang ng isang Pinay at isang foreigner, matitiyak na kaya ni Pinay kung ano talaga ang liko ng bituka ni foreigner at kung talagang mahal siya nito? Syempre naman, super sarap maglambingan sa FB at ibang social websites. Pero ang tunay na ugali at takbo ng utak ng isang tao ay di agad malalaman – kung sadyang itinatago ito ng isang tao, lalo pa ng mga manggagantso!

Dumarami ang mga ebidensiya ng mga pambibiktima ng mga mandurugas at masasamang tao sa FB at iba’t ibang social networking sites.

Suriin nyo ang mga resulta ng ilang pag-aaral sa United Kingdom at America:

  • Lampas ng 200,000 tao ang nabiktima ng online romance scams sa UK, ayon sa unang academic study ng University of Leicester ukol sa lawak ng panloloko sa mga online romance na gamit ang mga social networking websites
  • Ayon sa Fraud Prevention of the Serious Organized Crime Agency ng UK, maraming criminal ang gumagala sa mga internet dating at social networking websites para maghanap ng mga biktima, gamit ang pekeng pangalan at katauhan
  • Halos 600 katao ang nabiktima at natangayan ng pera sa UK noong 2010-2011 dahil sa mga manloloko sa internet, ayon sa Fraud Prevention of the Serious Organized Crime Agency ng UK
  • Sa US at Canada naman, kulang kulang sa US$3.4 billion ang nalugi noong 2011 ng iba’t ibang kumpanya na nagbebenta ng iba’t ibang produkto sa internet dahil sa online fraud o mga taong manloloko sa internet
  • Mahigit US$2.7 billion ang nawala mula sa mga online retailers o mga kumpanyang nagbebenta ng mga produkto sa internet dahil sa mga manloloko

Sa tulong ng FB, Twitter at iba pang social networking websites, napakadali na ngayon ang makipagkaibigan kahit kanino sa iba’t ibang parte ng mundo.

Pero napakadali na rin para sa mga matatamis ang dila ang mang gantso o manloko.

Kaya kung di ka mag-ingat ay malamang na malaking gulo ang babagsakan mo.

Aray!!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s