“Networking? Naku, day, baka makulong ka!”

Image

Saludo ako sa mga OFWs dito sa Hong Kong na kung araw ng dayoff o kung may libreng oras pag hamak na araw ay hinaharap ang iba’t ibang klaseng pagkakakitaan o sideline.

Sayang nga naman ang pagkakataong kumita ng dagdag bukod sa regular na sweldo buwan buwan.

Ang dali naman kasing magbenta dito sa Hong Kong sa mga kapwa OFWs. Mga phone cards, damit, fashion accessories, Avon at iba’t ibang cosmetics mula sa Pinas, herbal o food supplements at marami pang iba.

Kung ang paninda mo ay presyong HK$10, HK$20, HK$50 o wala pang HK$100 ay tiyak na mabilis pa sa alas kuwatro ang benta mo.

Kung hanap mo ay dagdag na kita at may alok sa yo na aabot ng HK$5,000 o HK$10,000 buwan buwan ang kikitain mo, kakagatin mo ba?

Ganito ang madalas na pangako ng mga networking companies mula sa Pinas. Super laking perang kita buwan buwan – pag namuhunan ka at kumayod ka para dumami ang recruit mo sa network mo.

Bagong pasok sa isang networking scheme si Nora, tubong Rizal province, mahigit 30 anyos at may tatlong anak.

Ang puhunan niya ay HK$8,000 para makapasok sa isang networking company na ang tinda ay mga herbal food supplements. Para makuha niya ang kitang commissions mula sa mga recruit niya ay kailangan niyang bumili ng produkto na halagang HK$1,000 buwan buwan.

Ilang buwan pa lang siya at gaya ng iba ay umaaasa siyang kikita ng limpak limpak na pera pag nagtagal siya at kung marami na siyang ma recruit.

Matupad kaya ang kanyang inaasahan?

Mahirap masabi.

Lalo pa’t mahirap hirap din sigurong makakita ng mga OFWs na lakas loob na itataya ang mahigit dalawang buwang sweldo sa isang pangako na pwedeng mapako at maaari pang magpahamak sa kanya sa batas ng Hong Kong.

Marami sigurong mga OFWs ang di alam na labag sa batas ng Hong Kong ang networking o pyramid type of selling products and/or services.  

Kamakailan lang ay ipinasa ng Hong Kong government ang Pyramid Schemes Prohibition Ordinance (Cap. 617 – the Ordinance) na pumalit sa Pyramid Selling Prohibition Ordinance (Cap. 355 – the old Ordinance).

Ano ang layunin ng bagong batas na ito?

Ang lipulin ang lahat ng pyramid selling o networking sa Hong Kong. Ayon sa batas na ito, ang mga taong sumasali, kumikilos at nagtataguyod sa mga pyramid selling ay sasampuhan ng kasong criminal.

Ano ang pinakamabigat na parusa ayon sa batas na ito?

Pagbabayad ng multang HK$1 milyon at pagkakulong ng hanggang 7 taon.

Aray!!!

Ilang taon kaya ang bubunuin ng isang OFW kung pagmultahin siya ng HK$500,000 kundi man ang maximum na HK$1 milyon?

At “bakasyon” ng ilang taon sa loob ng kulungan sa Hong Kong! Aray uli!! Lanta siguro byuti mo kung sa “loob” ang extended holiday mo!

Swak na swak sa bagong batas na ito ang mga networking galing ng Pinas.

Lumalagapak na criminal ang labas mo sa Hong Kong ayon sa batas na ito kung sasali ka sa isang networking o pyramid scheme matapos mong magbayad ng malaking halaga dahil pinangakuan kang tatanggap ng malaking halaga mula sa mga taong hihikayatin mong sumali sa networking.

Kaya payo lang, kabayan.

Kung hanap mo’y dagdag na kita, iba na lang pasukan mo.

Iwas ka na lang mula sa mga networking companies para di ka mapahamak ng big time.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s