Problema niya sa Sex Toys!

Image

Muntik sumabog ang pantog ni Marcia isang araw habang nakasakay siya sa isang bus papuntang Central.

Pigil na pigil kasi niya ang paghagalpak ng tawa dahil sa kwentuhan ng dalawang Pinay – na inakalang siya ay Indo kaya sarap na sarap sa tsikahan ukol sa . . . . . Sex Toys!

Gabigat kasi ng mundo ang problema ng unang Pinay. Kaya hingi siya ng payo sa pangalawang OFW. Ganito ang takbo ng kanilang tsikahan.

Petra: “May binili akong dalawang vibrator sa Tsim Sha Tsui para sa friend ko sa Pinas. Pero ano kaya ang gagawin ko? Lilipad na ako papuntang Manila sa Sunday at takot akong baka makita ng customs sa Manila ang dala at baka kumpiskahin nila ito. Ano kaya sa tingin mo ang dapat kong gawin?”

Kulasa: “Naku, mare, di problema yan. Una muna e balutin mo ng tin foil, tapos e balutin mo ng damit. Matapos ito e balutin mo uli ng tin foil at saka mo balutin uli ng damit.”

Petra: “Talaga? Aba, mare, mukhang eksperto ka dito, a!”

Kulasa: “Syempre naman, nagawa ko na e!”

E bakit pa kasi dito sa Hong Kong nagpapabili ng “laruan” ang ilan nating kababayan para sa kanilang “laruang” ayaw makita ng madlang pipol?

Halagang HK$300 (P1600+) lang daw ang isang vibrator dito kumpara sa P3,000 hanggang P4,000 bawat isa sa Maynila.

Pero, kuwidaw ka, mare.

Kung ayaw mong pag-isipan kang ma-L ng iyong mga kapwa OFWs dito sa Hong Kong, mabuting siguruhin mo munang talagang walang nakakaintindi ng Tagalog o dialect mo habang nakikipatsikahan ka sa iyong amiga ukol sa “laruang” hindi pala pambata!


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s