“Ang anak ko! Ano kaya ang gagawin ko?”


Di maiwasan ni Mira (di niya tunay na pangalan), 35, isang single parent, at isang OFW dito sa Hong Kong, na di laging alalahanin ang kanyang anak na binatilyo, 13 anyos.

Nakatira naman ang binatilyo sa mga magulang ni Mira at nakababata niyang kapatid na babae. Pero di pa rin niya maiwasang mag-alala paminsan minsan.

Ang hirap nga naman ng buhay OFWs!

Kahit kahit gusto mong makasama ang anak mo e di ka naman agad makalipad at maiwan ang trabaho dito sa Hong Kong.

Hay buhay!

Teka, ano nga ba ang intindihin ni Mira ukol kay Chris, ang kanyang anak na binatilyo?

“Apat na babae ba naman ang panay text sa kanya at lagi siyang hinahanap,” kwento ni Mira. “Paminsan minsan ay pinupuntahan din siya sa bahay namin at niyayang mamasyal.”

“Lagi tuloy nag-aalala ang lola nya at baka raw batang bata pa e makapag asawa ng di oras,” dagdag niya.

“Buti na lang at wala pa sa isip ng anak ko ang mag steady dahil mas hilig niya ang maglaro ng basketball at makasama ang mga pinsan niya. Paano kaya kung isang araw e matukso siya sa mga babaing laging naghahabol sa kanya?”

Aray!

Masakit nga yata yun a!

Pero mabuti na lang at very close at masunurin sa ina at lola ang binatilyo – at wala siyang itinatago sa mga ito.

Payo nga ng best friend niya ay tamang tama ang ginagawa niya – regular na communication sa kanyang anak at pagpapadama sa kanya ng pagmamahal ng isang ina kahit malayo sa kanya.

Kung mahusay naman kasi ang samahan nilang mag-ina ay laging magsasabi sa kanya ang binatilyong anak kung may mga problema ito sa pag-aaral o sa kanyang personal na buhay.

At kung bukas ito sa kanyang ina ay madaling makakapagbigay gabay si Mira sa kanyang anak – bago pa ito malagay sa alanganing katayuan sa Pinas.  

Kaya sa ibang OFWs na iniintindi rin ang mga binatilyo o dalagitang anak sa Pinas — don’t worry.

Kumuha lang ng ilang pointers mula kay Mira.

Regular na communications sa anak, pag ibayuhin ang pagmamahal at pagpapayo at mas malamang na makakaiwas sa mga gusot ang mga teen-agers na mga supling.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s