“Miss, paki update naman ang milyones ko sa bangko nyo!”

 

Image

Madalas kong marinig ang ganitong request mula sa kapwa ko remitters tuwing nagpupunta ako sa upisina ng Philippine banks sa Worldwide House sa Central.

At laging ganito ang kasunod na tanong: “Miss, kailan ko malalaman ang resulta ng pag update nyo sa mga milyones ko?” [Ehem! May dagdag na po akong tsika dyan.]

At ganito naman ang madalas na sagot ng empleyado ng bangko: “Baka next week na, Miss. Sa Maynila pa kasi ang updating e, hindi dito sa Hong Kong.”

May paraan para malaman agad ng mga OFWs ang paglobo ng milyones sa bank savings nila – internet banking!

Madali!

At kahit anong oras ay pwede mong alamin kung magkano ang laman ng bank savings mo.

Makakatipid ka rin sa remittance charges sa internet banking.

Paano magagawa ito?

Simple lang.

Matapos mong i-enroll ang personal account mo sa BDO internet banking ay ganito rin ang gawi mo sa bank accounts ng anak, mister o kahit na sino pa sa Pilipinas na balak mong padalhan ng pera ng regular.

Kung may lamang P20,000 ang account mo at gusto mong padalhan, halimbawa, ng P3,000 ang anak mo ay gamit ka lang ng laptop o kahit na anong computer at mag transfer ka ng halagang ito sa account ng anak mo.

At presto, may pang gastos o allowance na ang anak mo.

Mabilis na, tipid ka pa sa remittance charge. Ginhawa pa dahil di mo na kailangang pumila sa Central.

Mahigit 2 taon ko ng gamit ang internet banking service ng Banco de Oro at masasabi kong mahusay ang serbisyo nila.

Nag apply din ako sa internet banking service ng Bank of Philippine Islands.

Malamang sigurong magtanong ka sa akin ng ganito: “Kuya, paano mag apply ng internet banking service ng BDO o BPI?”

Ganito naman ang isasagot ko: “Naku, ate, super dali lang. Punta ka lang sa website ng BDO o BPI, hanapin lang ang Internet Banking service nila, double click ng mouse at lagyan ng mga personal information mo ang online application form.

Matapos mong punuin ng personal infos ang application form ay print mo lang ang application form at ibigay sa BDO sa Worldwide. Matapos siguro ang isang buwan ay may ayos na ang internet banking service mo.

Kahit mga batang maliliit ay gumagamit na ngayon ng computer at internet.

Wag mong sabihin na daig ka pa ng mga batang maliliit!

Kung di mo pa rin matutunan ay sulatan mo lang ako sa jchk94@yahoo.com at tulungan kita.

Batuhan mo lang ako kahit katiting lang ng mga milyones mo! he! he!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s