Mapakla at Masayang Buhay ng 2 OFWs dahil sa Facebook

Dito sa Hong Kong, napasobra isang araw ang pakikipagtsikahan sa Facebook ni Mila (di niya tunay na pangalan) sa kanyang mga amiga at admirers.

Ginanahan siya ng husto dahil wala pareho sa bahay ang mag-asawang amo niya.

Yehey! Libreng libre siya sa Facebook ng araw na iyon, ito ang naisip niya.

Noong nakaraang gabi kasi ay sinabi ng stay-in niyang among babae na maghapon itong nasa labas kinabukasan. Kaya hapon na e panay pa rin ang banat ni Mila sa kanyang FB.

Pero muntik na siyang inatake sa puso nang bigla itong dumating ng hapon – at naabutan siyang mainit na bumabanat sa FB gamit ang kanyang laptop computer!

Noong inabutan siya ng kanyang amo ay hindi pa siya nakapamalengke ng pagkaing lulutuin para sa dinner ng pamilya ng kanyang amo.  

Di pa rin niya naisampay ang mga damit na nasa loob pa ng washing machine.

Hindi pa rin siya nakapaglinis ng bahay ng araw na iyon at napansin ito ng kanyang amo.

Aray!!!!!

Natural na sinabon siya ng katakut takot ng amo niya – kahit di siya ipinasok sa washing machine!

Mukhang bitin sa pagsabon si amo kaya bumanat ito ng mas matindi.

“Mas mabuti sigurong sa FB ka na lang magbuhos ng oras at pagod mo. Mag empake ka na ng mga gamit mo at terminated ka na sa araw na ito,” ganito raw humigit kumulang ang eksena ng amo at kanyang “kunyang”.

Naku! Dobleng arayyyyyyy!!

Sa Saudi Arabia naman, ibang iba naman ang kwento ng buhay ni Rogelio “Dondon” Lanuza, isang dating architectural draftsman sa bansang iyon, dahil sa FB.

Dahil sa FB, hindi na siya mapupugutan ng leeg at buhay siyang makakauwi sa pamilya sa Pilipinas matapos siyang makulong ng 11 taon sa Dammam, Saudi Arabia. Noong 2000 ay hinatulan siya ng kamatayan sa pagpugot ng kanyang ulo dahil may piñatay siyang isang Saudi national.

Inamin niyang sinaksak at napatay niya ang isang lalaking Saudi national dahil sa self defence matapos umano siyang pagtangkaing halayin ng arabo.

Sagip ang buhay ni Dondon matapos malikom ng kanyang pamilya, mga kaibigan, pilontropong Pinay American na si Loida Nicolas Lewis ang sapat na “blood money” na tinanggap ng pamilya ng kanyang napatay.

Ginamit ni Dondon, kanyang pamilya at mga kaibigan ang FB para makalikom ng pera mula sa mga Pinoy sa iba’t ibang parte ng mundo para sa “blood money”. Ginamit din nila ng husto ang FB para sa isang malakas na kampanya para sa kanyang pagpapalaya.

Kaya dahil sa FB, nasagip ang buhay ni Dondon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s