Pinay OFW, Alagang Bata Patay sa Road Accident

Image

Ang dump truck na nakasagasa at nakamatay sa isang Pinay at kanyang alaga. Makikita ang mga police investigators sa lugar na pinangyarihan ng malagim na aksidente. Photo: RTHK

Isang Pinay na domestic helper, 36 anyos at tubong Pangasinan, at anim na taon niyang alagang batang babae ang parehong namatay matapos masagasaan kahapon (April 14) ng isang malaki at mabigat na dump truck sa Kowloon Tong.

Ayon sa isang report ng Radio Television Hong Kong, lumiko sa kanto ng Lancashire Road at La Salle Road sa Kowloon Tong ang 24 toneladang kabigat na dump truckĀ  matapos maging berde ang kulay ng stop light.

Sinabi ni police senior inspector Chan Siu-wai na sa paniwala niya ay nasagasaan ang dalawang biktima matapos lumiko ng pakaliwa ang dump truck.

Agad namatay ang Pinay at alaga niyang batang babae sa pinangyarihan ng aksidente dahil sa matinding sugat na tinamo nila sa ulo.

Ayon sa pahayag ng drayber ng dump truck sa mga pulis, hindi niya nakita ang dalawang biktima nang lumiko at itinigil lang niya sa pagtakbo ang kanyang truck matapos niyang maramdamang mukhang may nasagasaan siya.

Agad inaresto ng mga pulis ang drayber ng dump truck.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s