COMMENT: Corruption sa Pilipinas at si Corona

Sa May 7 ay magpapatuloy uli sa Senado ang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ano ba ang pakialam dito nating mga OFWs sa Hong Kong kay Corona?

Malaking malaki.

Kung nakikilan ka na ng mga corrupt na taong gubyerno sa airport sa atin ay tiyak maiisip mong dapat mawala ang mga ganitong salot ng ating lipunan.

Matagal nagtrabaho si Corona kay dating Presidente Gloria Arroyo. Kaya maraming naniniwalang hahadlangan ni Corona sa Supreme Court ang corruption at iba pang mga asuntong isinampa laban kay GMA.

Sa impeachment trial ay di maipaliwanag ni Corona kung galing sa malinis o maruming paraan ang kanyang US dollar accounts at mga binili niyang mamahaling mga condominiums.

Sumingaw na rin ang iba ibang katiwalian sa Supreme Court sa kanyang pamumuno. Pero hindi pa rin nahiya si Corona at ayaw niyang kusang magbitaw.

Ang mga makakapal nga naman ay di nagkukusang umalis sa gubyerno, gaya ng dati niyang among si GMA.

Malaking sagabal si Corona sa anti-corruption campaign ng gubyerno. Sana ay kapakanan ng bayan ang pahalagahan ng mga senador sa gagawin nilang paghatol nila kay Corona.

Di dapat manungkulan ang mga gaya ni Corona na gamit ang pwesto sa pamahalaan para magkamal ng yamang di maipaliwanag at abusuhin ang mga mamayang Pilipino.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s