Biktima ng agencies? Mga dapat mong gawin!

Hanggang P120,000 pa rin ang singil ng mga tulisang recruitment agencies sa mga bagong saltang OFWs dito sa Hong Kong. Kung ayaw nilang magbayad ay terminated ang work contracts nila o kaya ay ginigipit sila para magbayad ng mga partner agencies dito sa Hong Kong.

Ano ang dapat gawin ng mga biktima? Kumilos! Lumaban!

Mga biktima, hindi dapat mga kaibigan nila, ang dapat kumilos at lumaban. Api, kawawa at luhaan ang labas nila pag di sila kumilos at lumaban. 

Kung ikaw ay biktima ng isang HK agency o agency dito na partner ng agency mo sa Maynila, malaki ang laban mo dito sa HK labor department, hindi sa konsulado.

Ano ang dapat gawin ng biktima ng isang tulisang HK agency?

  1. Pumunta ng personal sa pinakamalapit na upisina ng Hong Kong labor department para ireklamo ang agency dito sa HK na nanggigipit sa yo. Paano mo aalamin? Tawagan ang Hong Kong Labour Department Local Domestic Helper Recruitment Hotline sa 2503-3377. Ang kanilang website ay ito — http://www.info. gov.hk/labour. Meron din silang pamphlet ukol sa mga foreign domestic helpers na pwede mong mabasa sa web link na ito — http://www.labour.gov.hk/eng/public/wcp/FDHguide.pdf
  2. Ikwento sa labor officer ang pang-aabuso ng HK agency at magsampa ng pormal na reklamo.
  3. Ipakita sa labor officer ang lahat ng mga papeles galing sa HK agency. Kung bigla kang nagkaroon ng utang sa isang bangko o finance company dahil sa agency, ipakita ang dokumentong ito. Mahusay itong ebidensiya pangsuporta sa reklamo mo.
  4. Kung malaki ang iyong utang sa agency, humingi ka ng lista o statement of account mula sa agency. Sabihin mong malilimutin ka. Hilingin mo sa agency na ilagay ang pangalan nila para di mo malimutan. Mahusay itong ebidensiya laban sa agency kung sakali.
  5. May kasabihang “kahit tuso ang matsing ay napaglalalangan din”, di po ba? Madalas na tuso ang mga agencies at baka hindi sila basta magbigay ng computation o listahan ng utang ng isang OFW o kaya ay resibo na katunayan ng pagbabayad ng isang OFW. Meron pa bang magagawa? Natural, meron! Maraming cellphones ngayon na pwede ring magsilbing tape recorder. Pumunta sa agency dala ang isang nakatagong tape recorder at magkunwaring nalito sa total amount na dapat bayaran sa agency. Hingin ang paliwanag ng agency sa kwento ng buong halaga ng babayaran sa agency at siguruhing mai record yon. Malamang makatulong ito sa reklamo sa labor department ng Hong Kong.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s