Kanser at OFWs

Noong June 26, laman ng Philippine Daily Inquirer at ibang pahayagan sa Maynila ang balita ukol kay Nida Ampaguey, isang OFW sa Hong Kong na may Stage 4 cancer na.

Tinanggal siya sa trabaho ng kanyang amo matapos malamang malubha na pala ang sakit niya. Cancer of the breast na kumalat na ibang parte ng katawan niya.

Ano ang tulong sa kanya ng OWWA?

Ayon kay OWWA administrator Carmelita Dimzon, gamit lang ng ambulansya para sunduin si Ampaguey sa Manila airport at ihatid sa bahay nito sa Baguio ang tanging tulong na maibibigay nila. Wala raw benepisyo ang OWWA sa mga may malubhang sakit.

PhilHealth daw ang dapat balingan ng mga OFWs.

Ano ang mga leksyong mapupulot sa kaso ni Ampaguey?

Una, kilos agad tayo para di lumubha ang sakit at manganib ang buhay. Paalam tayo at lipad sa Maynila para kumunsulta sa mga batikang doktor doon kung ramdam nating mabigat na ang karamdaman natin.

Pangalawa, isipin natin ang mga umaasa sa atin sa Pinas. Pag pinabayaan natin ang ating kalusugan, kawawa ang ating mga mahal sa buhay sa hinaharap pag di na tayo makapagtrabaho dahil sa malubhang karamdaman. 

Pangatlo, wag nating iasa sa ating gubyerno ang ating kapalaran at kalusugan lalo pa kung may magagawa tayong kilos.

Pang-apat, sumapi agad sa PhilHealth na may handog na health insurance cover para sa OFWs kasama ang mga dependents nila.

(NOTE: The piece above was published in the July 2012 edition of Hong Kong Life newspaper where the author writes as a columnist)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s