Maganda ba sa Canada?

Madalas na malaman at mabigat ang tanong na ito.

Lalo pa’t ito ang batayan ng desisyon ng maraming OFWs kung aalis ng tuluyan sa Hong Kong. Ito rin ang batayan kung kakagatin ng OFW ang buwayang singil ng recruiters na aabot ng HK$35,000.

Maganda nga ba sa Canada? Sa bigla at mababaw na pagtingin ay oo. Walong oras na trabaho at limang araw lang na trabaho. Mas mataas na sweldo kaysa dito sa HK. At pag Canadian citizen ay pwede ng kunin ang Mr at mga anak, di paris sa HK.

Pero inaaaral ba ng malalim ng mga OFWs ang tanong na ito? Tantiya ko ay hindi.

Halimbawa ay alam kaya ng mga OFWs ang mga bagay na ito: 1) Kailangang palahin at tanggalin ng OFW ang snow o yelo sa paligid ng bahay ng amo matapos ang snowfall. Para itong trabaho ng construction worker na nagpapala ng buhangin at bato; 2) Hirap makaipon ang mga OFWs sa Canada dahil sa sales tax at bayad sa tutuluyan sa 2 araw na dayoff; 3) Mas malungkot ang buhay dahil layo layo ang bahay, at; 4) Sobra ang lamig sa maraming parte ng Canada.

Maganda ba sa Canada? Kung ikaw ay uto-uto, malamang kagat ka agad sa mga sabi-sabi sa paligid at ilang naroon na sa Canada. Kung di ka naman uto-uto, bakit di ka gumawa ng sariling pag-aaral? Madali lang.

Punta ka lang sa www.google.com at magtanong iba iba, gaya halimbawa ng — How is life and work of a foreign caregiver in Canada? Para mas mahusay ang desisyon mo, dapat na mahusay ding pag-aaral ang gawin mo.

(NOTE: The piece above was published in the February 2013 edition of Hong Kong Life, a newspaper for Filipinos where the author writes as a columnist)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s