Punta ka ng Canada? Bakit?

Dalawang mahalagang punto ang masasabi ko dito.

Unang punto. May mga recruiters na Pinay at Pinoy ditto sa Hong Kong na nagpapaalis umano papuntang Canada. Pero biglang nawawala matapos makakoleta ng maraming pera mula sa kanilang mga biktima.

Ano ang mga dapat gawin para di mabiktima? Wag magbitaw agad ng malaking pera. Hingin ang photocopy ng kanilang passport, Philippine government IDs at HK ID ng recruiters at complete address dito sa HK at sa Pinas. Kung di sila manloloko, walang dahilan na di nila maibigay ang photocopies ng passport at ID nila, di po ba? Kung may manloko, ireklamo agad ang mga ito sa HK police ng fraud and deception. Kung mas marami ang complainants, mas maganda para lumakas ang reklamo.

Pangalawang punto.  Gaano nga ba kaganda ang Canada kumpara sa HK kung trabaho at pamumuhay ang usapin?

 Suriin natin ito ng husto. Malaki raw ang kita sa Canada na katumbas daw ng HK$7,000. Ang kaso lang ay mahal halos lahat ng bilihin sa Canada dahil sa sales tax. Kailangan ding magbayad ng up to C$300 ang isang OFW para sa tutuluyan niya tuwing Sabado at Linggo na wala siyang trabaho.

Tanong. Madali o mahirap mag ipon pag nasa Canada ka na?

Isang paraan para alamin ang sagot? Magtanong tanong ka sa lugar nyo sa Pinas. Sa mga kababayan mong nagpunta sa Canada, ilan sa kanila ang nakapagpundar ng house o lot, o nakabili ng lupa o nakapagpatayo ng negosyo para sa mga magulang at kapatid?

Ilan naman sa mga kababayan mo ang OFWs sa HK na nakapagpundar ng bahay at lote, o kabuhayan o napagtapos sa college ang mga anak?

Natural sa mga OFWs na umuwi sa sariling bayan para mabisita ang mga anak at magulang. At ibang mga mahal sa buhay. Kung may emergency sa Pinas, halagang HK$1,000 o $1,500 ay madali kang makauwi. Sa Canada, lampas ng P100,000 ang balikang pamasahe. Sa ganitong halaga, paano ka uuwi ng madalian, halimbawa, kung nasa ospital ang ina mo at malubha ang karamdaman?

Lungkot ang isang malupit na kalaban ng mga OFWs. Kahit saan at kahit anong oras dito sa HK ay makikita mo ang kapwa Pinoy. Madaling makipagkaibigan. Madaling mapawi ang lungkot sa buhay. Kung Sunday ay para kang nasa sariling bayan. Mistulang langit para sa OFWs!    

Malungkot ang buhay sa Canada.  Layo layo ang mga bahay. Mahirap ang pagsakay dahil sobrang laki ng bansa. Walang umpukan ng libo libong mga Pinoy tuwing Sunday di gaya ng Central.

Lampas ng 6 na buwan ang winter sa Canada. Sobrang lamig kumpara sa winter sa HK. Kaya mo ba ang super lamig hanggang 9 na buwan bawat taon?

Tuwing matatanong ako ng ganito: Hong Kong o Canada? Hong Kong ang laging sagot ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s