Wala ang OFWs sa SONA ni P-Noy

Di man lang binanggit ni Presidente Noynoy Aquino ang mga OFWs sa kanyang State of the Nation Address or SONA noong July 23. Mahalagang ulat sa bayan kung ano ang nagawa ng nakaraang taon ng kanyang administrasyon at kung ano ang pa ang maaasahan ng taong bayan. 

Pero bakit wala ang OFWs? Di ba mahalaga ang remittances sa Pinas na US$20 billion taon taon ng lampas 9 milyong OFWs?

Bingi, bulag at inutil ba si Vice President Jojo Binay at ibang opisyal ni P-Noy na sangkot sa usapin ng mga OFWs?

Kung di sila inutil ay bakit di nila inusisa ang mga problema ng OFWs, lalo na ang mga ugat nito?

Ano ano ang mabibigat na problema ng mga OFWs? Sobrang taas na singil na placement fees ng mga ganid na recruitment agencies. Kulang na kilos para masugpo sila. Serbisyo at benepisyo para sa OFWs na kalat kalat sa iba ibang ahensya ng gubyerno. Dahil kalat kalat ang mga ito, madalas ay kapos at palpak pagbibigay nito sa mga nangangailangan.

Ano ang solusyon sa ugat ng problema? Bumuo ng isang Department of OFWs, gaya ng mungkahi ni Senador Manny Villar.  Para ilagay sa isang bubong ang usapin at pagbibigay ng mga serbisyo sa mga OFWs.

(NOTE: The piece above was published in the August 2012 edition of Hong Kong Life, a newspaper for Filipinos where the author writes as a columnist)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s