Trahedya sa Buhay ng Isang OFW sa Hong Kong

 

ImageTuwing nababanggit ang Jollibee sa Pinas o Hong Kong at ilang bansa kung saan meron itong branches, laging kainan at kasayahan ng pamilya o magkakaibigan ang agad na sasaksak sa isip natin.

Pero ibang iba sa karaniwang kasayahan sa Jollibee ang dumating na balita kay Floribil Guevarra, isang domestic helper sa Hong Kong, noong April 9.

Noong madaling araw kasi ng April 9 ay nabaril at napatay si Elbert Budlat, ang kanyang 22-year-old na live-in boyfriend at ama ng kanilang 2 taong anak sa loob mismo ng pinagtatrabahuhang Jollibee Philippine General Hospital (PGH)-Taft Avenue, Manila branch.

Ang masakit ay nakatakda na sana silang ikasal ngayong katapusan ng April.

“Napakasakit ng trahedyang ito. Malapit pa naman ang kasal namin,” bulalas ng iyak ni Guevarra sa interview sa kanya noong April 9 ng ABS CBN.

Noong madaling araw noong April 9 ay may ihahatid sanang order na pagkain si Budlat. Sakay siya ng motorsiklo ng Jollibee nang muntik niyang mabangga ang isang motorsiklong may sakay na tatlong lalaki na pare parehong lasing. 

Nag counter flow sa traffic ang motorsiklo ng tatlong lasing kaya napagsalitaan ni Budlat ang mga sakay nito. Nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawang panig kaya nagdesisyon na lang si Budlat na bumalik na lang sa Jollibee sa halip na ihatid pa ang order na pagkain.

Ang di niya alam ay sinundan pala siya ng tatlong lasing sa Jollibee. Sa kitchen ng Jollibee ay naabutan nila si Budlat at nagkasuntukan, tatlong lasing laban kay Budlat. Ayon sa guwardiya ng Jollibee, tinangka niyang umawat pero wala raw siyang nagawa para itigil ang rambulan. Hindi rin niya maipaliwanag kung paano naagaw ang kanyang baril ng isa sa tatlong lasing, si Jason Ignacio.

Ayon kay Ignacio na nahuli ng pulis, naagaw daw sa kanya ng isa niyang kasamahan ang baril at pinutukan nito sa mukha si Budlat. Agad isinugod sa PGH si Budlat pero di na nasagip ang buhay nito.

Hanggang April 9 ng gabi ay hindi pa rin nahuhuli ng mga pulis ang dalawang kasama ni Ignacio na sina Raymond Yap at Rolando Elizalde.

Pero sa mga istasyon ng TV ay ipinakita ang mga litrato nina Yap at Elizalde na patuloy na hinahanap para hulihin ng mga pulis.

“Nagawa kong agawin ang baril ng guwardiya dahil akala ko e baka barilin niya kami,” sabi ni Ignacio nang puntahan siya ng isang reporter ng ABS CBN sa kulungan para hingan ng pahayag kung ano nangyari sa gulo na humantong sa pagkamatay ni Budlat.

“Di ko akalain babarilin si Budlat ng kasama ko. Di sinasadya ang mga pangyayari. Sana ay mapatawad ako ng pamilya ni Budlat. Nagsisisi ako at nasangkot ako sa gulong ito. Sana ay patawarin nila ako,” luhaang pahayag ni Ignacio.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s