Sino sino ang dapat iboto ng mga OFWs?

Image

Sino sino ang 12 mga bagong senador ang dapat iboto ng mga OFWs sa Hong Kong ngayong 2013 mid-term senatorial elections? Sino sino ba ang dapat nilang irekomendang iboto sa kanilang mga magulang, kapatid at mga kaibigang botante?

Yun bang wala halos paglilingkod na nagawa sa bayan bago ang eleksyon at ang puhunan lang ay ang matunog na apelyido ng kanilang tatay, gaya ni Jack enrile at Nancy Binay?

At ano ang silbi ng pamilyar o sikat na pangalan, gaya ni Ernesto Maceda, kung may bahid naman ito ng katiwalian at naging kasama sila ng mga dating pulitiko na nagsamantala habang nanunungkulan sa pamahalaan?

Di kaya panahon na para maging mas mahusay at makahulugan ang ating mga boto at ating ibigay ito sa mga kandidato na mas tapat at mahusay ang gagawing paglilingkod sa ating bayan kaysa sa mga taong matunog na pangalan ang pangunahing puhunan, gaya ni Maceda, Enrile at Binay?

Ang mga kandidatong ito ang sa paniwala namin na mas karapat dapat na suportahan ng  mga boto ng OFWs. Basahin ang maiikling paliwanag kung bakit dapat silang iboto.

  • Risa Hontiveros, Akbayan Citizens’ Action Party, Team PNoy.

Walang takot sa pakikipaglaban sa mga usapin ng mga mahihirap at kababaihan. Kahit babae ay madalas lumahok sa mga martsa sa kalsada at mga demonstrasyon para ipaglaban ang mga mahihirap at naaapi.  Matalino at malinaw sa pagpapahayag ng mga isyung susulong sa karapatan at kabutihan ng mga salat sa lipunan. Walang anomalyang kinasangkutan.

  • Teodoro Casino, Makabayan.

Matapang sa pagsulong sa mga usaping tutulong sa mahihirap. Malinis ang pangalan. Matalino. Ang pangunahing adhikain ay lumalim at lumawak ang iba’t ibang antas ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan na tutulong para makinabang ang sambayanan.

  • Alan Peter Cayetano, Nacionalista Party (NP), Team PNoy.

Matapang manindigan kahit ang kabangga ay mga pulitikong malakas ang kapangyarihan, gaya ni dating pangulong Gloria Arroyo at Senate president Juan Ponce Enrile. Matalino at malinaw na binabalangkas ang kanyang mga paninindigan sa buhay, kasama na ang mga pagbabago sa pamahalaan.

  • Eddie Villanueva, Bangon Pilipinas.

Maka-Diyos at nagsusulong ng iba’t ibang mungkahing pagbabago sa pamahalaan at lipunan na posibleng makatulong sa sambayanan. Puno ng Jesus is Lord (JIL) religious group na may sangay sa Hong Kong at iba’t ibang bansa.

Paglaban sa corruption sa iba’t ibang sangay ng gubyerno ang pangunahin niyang adhikain, lalo na sa P800 million fertilizer scam noong panahon ni dating presidente Gloria Arroyo.

  • Cynthia Villar, NP, Team PNoy.

Katulong ng asawang si Senador Manuel Villar ay walang pagod at pagsasawa sa pagtulong sa mga mahihirap para matuto kung paano magtayo at magpatakbo ng maliliit na negosyo o kabuhayan para umunlad ang kanilang buhay. Dating may ari ng savings bank at subok ang kakayahan sa larangan ng negosyo. Inaasahang makakatulong sa mga pagbalangkas ng mga batas ukol sa ekonomiya at pagsulong ng kabuhayan, lalo na ng mga mahihirap sa buhay.

Matapang manindigan na kanyang ipinakita sa iba’t ibang usapin laban kay Senate president Juan Ponce Enrile. Malinis ang pangalan at di nasangkot sa kahit anong anomalya. Dating sundalo na nanguna sa bigong pagpapabagsak sa pamahalaan ni Arroyo.

  • Grace Poe, LP, Team PNoy.

Unang beses lang papasok sa pulitika pero matalino at inaasahang tutulong sa pagsulong ng mga isyung tutulong sa mga salat sa lipunan. Anak ni Fernando Poe at Susan Roces. 

  • Francis Escudero, Team PNoy.

Matibay ang paninindigan sa iba’t ibang isyu na tutulong sa kapakanan ng bayan.

  • Richard Gordon, UNA.

Masipag at subok na ang serbisyo at katapatan sa pagsisilbi sa bayan. Ang pinakamahusay niyang nagawa ay hikayatin ang maraming kumpanya na pumasok sa  Subic Bay na nagbigay ng libo libong trabaho sa mga Pinoy matapos umalis ang mga Amerikano doon.   

  • Edward Hagedorn, Independent. Lumakas ang turismo, umunlad at maayos ang buhay ng mga taga Palawan noong siya ay gubernador doon. Ang husay niya sa pamamahala ng lalawigang iyon ang gusto niyang gamitin din kung mahalal na senador.
  • Loren Legarda, NPC, Team PNoy. Bukod kay Senador Pia Cayetano, si Legarda ay nangunguna sa pagsusulong ng mga batas para sa kapakanan ng kababaihan at iba pang isyu, gaya ng Reproductive Health na batas, na magbibigay benepisyo sa mga salat sa lipunan.

 

 

 

Advertisements

One thought on “Sino sino ang dapat iboto ng mga OFWs?

  1. Nice post 🙂

    Vote wisely and according to your conscience. Be a responsible voter.

    PAANO MO KIKILATISIN ANG ISANG KANDIDATO? Iboboto mo ba siya dahil siya ay anak, asawa o kamag-anak ng dati ng kumandidato? Kapag ganyan, pinapahintulutan mo na umiral ang political dynasty.

    1. May kakayahan ba siya?

    2. Tunay ba siyang maaasahan? Natupad ba ang mga pangako?

    3. Ano ang klase ng kanyang pamumuhay? Simple o nagpapaalipin sa mga sari saring bisyo.,

    4. Paano niya ginagamit ang pondo, para sa pangsariling kapakanan o nagpapakayaman at binubusog ang bulsa.

    5. Nakalagay ba ang kanyang poster sa tamang lugar? Common poster area.

    6. Ang sabi niya ay isa siyang public servant. Naramdaman mo ba ang kanyang serbisyo? Kung may salita may gawa.

    7. May integridad. Madali ba siyang masuhulan?

    8. Nasangkot ba siya sa katiwalian o anomalya?

    9. Saan ba siya talaga nakatira?

    10. Ginagawang sangkalan ang pangalan ng panginoon. Kagustuhan ng panginoon.

    11. Ang sabi niya marami siyang ginawang batas. Naipatupad ba ng maayos? Para ba sa nakakarami?

    BUMOTO NG TAMA AT NAAAYON SA KONSENSYA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s