Away sa Pera ng Recruitment Agencies

May kasabihang galit ang isang magnanakaw o tulisan sa kapwa magnanakaw . . . . . . lalo pa at ukol sa hatian sa nakulimbat ang away nila.

Ganito ang sitwasyon ng agencies sa Maynila at kapartner nilang agencies dito sa Hong Kong.

Alam ng lahat ng tao – bukod tangi lang kay Labor Secretary Erlinda Baldoz at mga DOLE at POEA officials – na umaabot ng P130,000 ang singil ng mga agencies sa mga OFWs. Ganid na singil ito dahil isang buwang sweldo lang ng OFWs sa HK o higit P20,000 lang ang dapat sanang ibayad sa mga agencies, ayon sa POEA regulations na di maipatupad kahit kailan.

Reklamo ng Society of Accredited Recruiters of the Philippines (SHARP) ay itinaas daw sa HK$9,000 mula $3,500 to $4,000 ng mga partner agencies nila sa Hong Kong ang singil na service fees nila mula sa employers dito. Bibigat daw ng husto ang babayaran ng mga paalis na DHs dahil sa mga agencies sa HK. Dahil dito, pansamantalang itinigil ng kanilang mga miyembrong agencies ang pagpapadala ng mga Pinay DHs sa HK, ayon sa SHARP.

Pero tutoo kaya ang reklamo ng SHARP? Kung tutoo nga ito e bakit walang mga reklamo ukol dito ang HK employers sa gubyerno nila? At kailan pa naawa ang mga agencies sa Manila at dito sa sobrang singil nila sa OFWs?

Sa tingin ko ay hatian sa P130,000 na singil sa OFWs ang ugat ng away ng SHARP at mga agencies dito sa HK. Away ng mga ganid sa pera!

Ano naman ang tugon ng DOLE sa away na ito?

Dapat ay wag na raw sumingil ng placement fees ang agencies, ayon kay Baldoz.

Walang kwentang sagot!

Dapat ay payagan nila uli ang direct hires para makawala sila sa di makataong singil sa kanila ng mga agencies. Ito ang ugat ng maraming problema ng OFWs. Bakit ayaw itong harapin at lutasin ni Baldoz at mga DOLE officials.

Bulag ba sila at manhid?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s