DAIG PA NG OFWS SA HONG KONG SINA SENATORS ENRILE, REVILLA AT IBA PA

DAIG PA NG OFWS SA HONG KONG SINA SENATORS ENRILE, REVILLA AT IBA PA

Tuwing namamalengke ang maraming OFWs sa Hong Kong, masinop silang humihingi ng resibo at maingat nilang kinukwenta ang total na nagastos para makita ng malinaw ng amo kung paano at kung saan saan ginamit ang perang bigay para ipamalengke.
Kahit na HK$100 o $200 lang ang perang bigay sa kanila, maingat ang gamit nila dito.
Sa puntong ito, di hamak na kahanga hanga at kagalang galang ang mga OFWs di paris ng ilan nating beteranong senador gaya ni Enrile, Revilla, Jinggoy Estrada, Sotto at pati na si Legarda.
Ayon sa 2012 COA at budget department report ay milyon milyong pisong PDAF funds nila ang nawalang parang bula sa mga fake na NGOs ni Janet Napoles.
At ano ang katwiran ng mga senador na ito?
“Sori, di ko alam na nawala pala ang pera ng bayan.” “Sori, di ko trabahong alamin kung palpak ang NGOs kung saan ko pinapunta ang PDAF ko.”
Kapani paniwala at katanggap tanggap na katwiran o palusot? HINDI!
Kung maliit na perang pamalengke ay maingat ang gamit ng OFWs dito sa HK, e bakit di magawa ito ng ating mga senador sa limpak limpak na pera ng taong bayan?
Di ba’t matatalino ang marami sa kanila? O nagtatanga tangahan lang sila? O dahil kaya yung mga pekeng NGOs ay ibinigay sa kanila ang malaking bahagi ng PDAF na pinamudmod nila sa mga kolorum na NGOs na ito?
Kaya ano ang dapat gawin ng mga OFWs sa mga katiwaliang ganito? Ang patuloy na alamin pa ang nangyayari sa atin at iparating sa Pinas – sa office of PNoy, Congress, news media at ipa pang forums – ang damdamin ng sambayanang overseas Pinoys.
Para makatulong tayo na masugpo o mabawasan ang mga katiwalian sa ating bayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s