Negosyong Buy-and-sell ng Real Estate

Negosyong Buy-and-sell ng Real Estate

“Halos itulak ko na palabas ng pinto ang mister kong seaman para umakyat uli ng barko. Walong buwan na kasi siyang walang trabaho at kita at hindi kasya ang sweldo ko sa gastusin naming mag-anak,” kwento ni Grace, 34 anyos, isang office worker sa Makati city.

“Buti na lang at maliliit pa ang tatlo naming anak. Pero kailangan din syempre na maghanap ng magandang kita para wala kang takot sa hinaharap,” dagdag niya.

Malaking pasalamat niya at may nagturo sa kanya na pumasok sa real estate – dahil malinaw ang pag-asa niya ngayon na kumita ng malaking pera.

“Bumili ako ng isang maliit na condominium unit sa Mandaluyong city at ngayon ay hinuhulugan ko ng P11,000 buwan buwan. Nakakita ako ng uupa na P11,000 din ang bayad buwan buwan,” kwento niya.

Sa biglang tingin ay parang wala siyang kita sa kanyang investment.

“Ang maganda ay ganito – sa loob lang ng isang taon ay umakyat na sa P2 milyon ang halaga ng condo unit ko na nabili ko ng P1.3 milyon. Kung ibenta ko ngayon ang condo ko ay kikita agad ako ng P700,000 – super laking kita sa loob lang ng isang taon,” dagdag niya.

Tulad ni Grace, maraming tao sa Pinas ang malaki ang kinikita sa negosyong buy and sell ng house and lot o condominium unit.

Si Cristina Decena na dating girlfriend ni Phillip Salvador ay yumaman at nagbigay pa nga ng negosyo at kotse sa actor dahil malakas ang kita nito sa buy and sell ng real estate.

Ang mga OFWs ay pwede ring kumita ng malaking pera gaya ni Grace.

“Kung matatag ang loob ng isang OFW, madali para sa kanya ang kumita ng malaking pera habang nagtatrabaho siya sa abroad,” ayon kay Didette Duterte, marketing director ng Vista Land International Marketing, na pag-aari ng Vista Land/Camella Homes group of companies ni Senator Manny Villar.

“Simple at madali lang ang dapat gawin ng mga OFWs na gustong kumita sa real estate. Magandang bumili sila ng bahay habang pre-selling o mababa ang presyo sa isang project ng Vista Land/Camella Homes na bago pa lang sinisimulan ang construction at kaya ng budget nila,” sabi niya.

“Halimbawa ay pwedeng magpundar ng 2-bedroom townhouse sa barangay Zamboanga, Laoag na ang reservation at monthly down payment lang ay P10,000 at ang monthly installment naman for 10 years ay P10,493 lang,” paliwanag niya.

“Ang total cash price nito na P1.01 million ay posibleng umakyat ng P1.5 o P1.7 million sa loob lang ng 3 o 4 taon pag tapos na ang construction ng buong subdivision. Kung balak mag for good ng isang OFW sa loob ng 3 o 4 na taon ay may aasahan siyang P500,000 o P700,000 kung ibenta niya ang nabili niyang bahay na pwede rin niyang paupahan buwan buwan para may rental income din siya,” dagdag pa ni Duterte.

Ang Vista Land/Brittany Corporation/Camella Homes group of companies ni Villar ang may pinakamaraming condominium projects sa Metro Manila at iba’t ibang klaseng housing projects sa iba’t ibang parte ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang mga OFWs na gustong magpundar ng bahay ay matutulungan ng http://www.homes4ofws.wordpress.com at pwede rin silang tumawag sa Hong Kong [852] 9792-8767 (na pwede sa viber, tango o whatsapp) o 6280-4057 o mag email sa vistalandhongkong@hotmail.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s