Palpak na Tourism Campaign sa Hong Kong

Palpak na Tourism Campaign sa Hong Kong

Mukhang hindi na matino ang isip ni tourism secretary Ramon Jimenez at mga opisyal niya.

Sunod sunod kasi ang full-page o half-page display advertisements ang inilabas nila sa South China Morning Post (SCMP), isa sa dalawang daily English newspapers sa Hong Kong, para manghikayat ng mga taga Hong Kong na mamasyal sa Pinas.

Mahigit HK$100,000 o lampas ng kalahating milyong piso ang isang full-age colored display ad sa SCMP kaya’t malamang na ilang milyong piso ang nagastos na sa advertising tourism campaign na ito.

Mahusay sana ang layunin ni Jimenez na palakihin ang bilang ng mga turista sa Pinas galing ng Hong Kong.

Kaya lang ay merong isang malaking kapalpakan . . . maling mali ang timing ng advertising campaign na ito.

Sariwa pa sa isip at damdamin ng mga taga Hong Kong ang pagkamatay ng walo nilang kalahi sa Luneta Park noong August 2010 matapos ang pumalpak na pagliligtas ng Manila police sa mga Hong Kong tourists na binihag ng isang dating pulis na Pinoy.

Hingi ng kaanak ng mga biktima at Hong Kong officials ay humingi ng tawad ang Pinas sa palpak na rescue attempt.

Pero ayaw humingi ng dispensa ang gubyerno ni PNoy. Dahil sa galit ng Hong Kong officials ay patuloy nilang pinagbabawalan ang mga mamamayan nila na bumisita sa Pinas. Ang matataas na opisyal ng China ay nagbigay na rin ng suporta sa Hong Kong sa usaping ito.

Tanong: Kung mainit pa ang dugo ng mga taga Hong Kong sa Pinas, di ba’t sayang lang ang perang ginagastos ngayon ng tourism department sa advertising campaign nito sa SCMP?

Kung di napag-iisip isip ni Jimenez at kanyang mga opisyal ang ganitong paglulustay ng pera ng bayan, hindi kaya nararapat lang na sibakin sila sa kanilang tungkulin?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s