NEGOSYO SA PINAS SA TULONG NG HONG KONG

Pix-Dried ORANGE peelings
PHOTO: Orange peelings being dried along a sidewalk in Sai Ying Pun, packaged later and eventually offered for sale as health food.

Ni Mary Deso-Acido
Pangarap kong mag tayo ng isang negosyo sa Pinas isang araw. At matibay ang paniwala ko na malaki ang maitutulong ng mga karanasan at mga napupulot kong aral o ideas dito sa Hong Kong para matupad ko ang pangarap na ito.

Una na sa aking listahan ang mga natutuhan kong lutong mga Hong Kong Chinese food habang ako’y nagtatrabaho dito. Isang Hong Kong Chinese take-away food counter o maliit na restaurant sa bayan namin sa Negros! Wala pang ganito sa lugar namin at palagay ko ay di malayong magtagumpay ang ganitong balak ko.

Sa Metro Manila at mga provincial cities ay laging mas mahal ang presyo ng mga pagkain sa Chinese restaurants kung ikukumpara sa mga Pilipinong pagkain. Kahit nga hindi tunay na Chinese food ang makakain sa mga Chinese restaurants ay mahal pa rin ang presyo nila. Ang mga natutunan kong lutong Chinese ay tunay na tunay.

Kaya matibay ang paniwala kong magiging maiinit ang pagtanggap dito kahit saan ako magtayo ng puwesto kung saan ako makapag-aalok ng tunay na Chinese food.

Kahit saan, sa Pinas, Hong Kong o ibang bansa, ang host o yung may handa ay laging habol niya na magustuhan ng mga bisita ang handa niyang pagkain. Malamang matuwa at masiyahan ang mga bisita sa isang birthday party, kasalan o wedding anniversary sa Pinas kung ang may handa ay may handog na naiibang pagkain, gayan ng Chinese food, bukod sa karaniwang lutong Pinoy.

Pangalawang naobserbahan ko rin dito lalo na sa Sai Ying Pun kung paano kumita ng pera kahit mula sa pinatuyong balat ng oranges at iba ibang klaseng prutas at isda. Kahit sa tabi ng mga kalsada ay maraming nagpapatuyo ng mga ito at ibinebenta dito sa Hong Kong at iba ibang bansa matapos mailagay sa plastic.

Kahanga hanga ang sipag at takbo ng isip ng mga taga Hong Kong kung paano kumita ng pera.

Sa Pinas ay libre ang sikat ng araw! Kahit nga tag ulan ay mainit ang araw kung walang ulan o bagyo. Kaya madaling magpatuyo ng mga prutas at malamang na murang mura mabibili ang mga mangga, pinya at iba pang prutas para pambenta bilang dried fruits.

Kung mailagay sa maliliit na mga sealable plastic bags ang mga pinatuyong prutas ay madali marahil maibenta ito na kahit 3 o 5 limang piso bawat isa. Kung mura ay malamang na mabilis ang benta.

Ang natutunan ko rin mula sa mga kapwa OFWs ng pag gawa ng iba ibang klaseng mga bulaklak gamit ang mga ribbon at recycled plastic ay isa ring mahusay na negosyo sa Pinas. Sa iba ibang okasyon, gaya ng graduation, kasalan, debut, birthdays at wedding anniversaries, ay laging kailangan ng mga bulaklak at corsage. Mas mahal ang fresh flowers kaysa sa mga bulaklak na gawa sa ribbon na magagamit din sa iba pang okasyon. Mahusay ding pang dekorasyon ito sa bahay. Kaya matibay ang paniwala kong mahusay din itong negosyo sa Pinas.

Kung bubuksan lang ng mga OFWs ang kanilang mga mata at isipan ay maraming matututunan dito sa Hong Kong na isang araw ay magagamit para magtayo ng negosyo sa Pinas. Ito ang malamang na maging susi ng magandang kita kapiling mga mahal sa buhay kahit hindi na OFWs dito sa Hong Kong.

# # # #
NOTE 1: This story was among winners in the essay writing contest sponsored recently by Pinoy Life radio show in Hong Kong which is co-produced and co-hosted by OFWs in Hong Kong blogger/operator Jun Concepcion
NOTE 2: Would you like to listen live to “Pinoy Life”, a radio show aired every Sunday at 4-6pm in Hong Kong? EASY!! Just take out your mobile phone, go to “PlayStore”, download “TuneIn Radio” free App, go to “Location”, find “Hong Kong” and look for “RTHK 3” with black & red logo, double click & presto!! “Pinoy Life”, aired on Radio Television Hong Kong (RTHK) Radio 3, is right in your fingertips. For more information & photos about Pinoys in Hong Kong, please visit our Facebook page – Pinoy Life on RTHK. And to listen to back episodes of “Pinoy Life”, just click this link & go to the bottom of the homepage — http://programme.rthk.hk/channel/presenters/programme.php?name=radio3/pinoy_life&p=5922

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s