TIPS SA MGA PAUWING OFWs PARA MAKAIWAS SA KOTONG NG MGA CORRUPT NG EMPLEYADO NG GUBYERNO

Pix-OFWs-returning to Manila

Palapit na ang Pasko kaya’t daang libo o milyon ng mga OFWs sa Hong Kong at iba ibang bansa ang pauwi ng Pilipinas. Excited syempre ang mga uuwi dahil masaya ang Pasko at Bagong Taon kasama ang mga mahal sa buhay.

Pero naroon din ang agam agam at takot mula sa mga mandurugas at magnanakaw sa airport sa Manila lalo pa at sunod sunod ang mga balita ukol sa mga buwayang dalawang paa sa airport.

Kamakailan lang kasi ay isang American missionary ang tinangkang kikilan ng P30,000 ng ilang corrupt na  empleyado ng Office for Transportation Security (OTS) na nagtanim umano ng ilang bala ng baril sa kanyang bagahe. Itinanggi niyang sa kanya ang mga balang iyon at minabuti niyang makulong na lang ng ilang araw kaysa aminin na lumabag sa batas na di naman niya ginawa.

Ang isang Pinay OFW naman na galing ng Kuwait ay ninakawan ng shoulder bag na may lamang perang kinita niya sa abroad kasama ang kanyang cellphone at ibang electronic gadgets.

Ano ano nga ang dapat gawin ng mga OFWs para makaiwas makikilan sa airport sa Manila at kahit saang ahensiya ng gubyerno sa Pinas? Narito ang ilang tips kung ano ang mahusay gawin kung kaharap mo ay isang corrupt na tao na gustong mangikil ng pera sa yo.

  1. Kung sabihan kang may nilabag kang batas, itanong mo kung anong batas ito at hingan mo siyang ipakita sa iyo ang batas na nilabag mo. Madalas ay gawa gawa lang nga mga corrupt ang akusasyong may nilabag kang batas.
  2. Kunin mo at ilista sa isang papel o notebook ang pangalan ng taong gustong manghingi sa yo ng pera. Sa halip na ikaw ang matakot ay mas magandang ikaw ang magtanim ng takot sa corrupt na tao na baka ibulgar moa ng pangingikil niya sa yo.
  3. Kung magagawa mo, ilabas mo ng palihim ang cellphone mo at i record moa ng pangingikil niya.
  4. Kung ayaw mong patagalin ang usapan sa isang corrupt na tao, ilabas mo ang cellphone mo at takutin moa ng corrupt na baka naka record sa cell mo ang usapan ninyo. Kung isipin ng isang corrupt na tao na naka record ang usapan nyo ay tiyak na matatakot ito na mangikil.
  5. Hilingin ang phone number ng head office at pangalan ng department head ng empleyadong gustong mangikil. Sabihin mo lang na isang araw ay tatawagan mo ang head office nila para tiyakin kung nilabag mo nga ang batas.
  6. Humingi ng tulong sa kapwa OFW kung meron kang makikitang tutulong sa yo. Kung mag is aka lang ay madali kang takutin at kikilan. Pero kung may “kakampi” ka ay baka magdalawang isip ang isang corrupt na tao na kikilan ka ng pera.

Mababasa sa dalawang web link sa ibaba ang dalawang mukha ng sitwasyon sa airport, lalo na ngayong palapit na ang Pasko at maraming OFWs ang uuwi para magbakasyon sa Pinas. Ang una ay negatibo dahil isang OFW ang ninakawan ng bag ng mga corrupt na OTS employees sa airport. Pero ang pangalawa naman ay positibo dahil sinibak sa trabaho ang mga empleyadong corrupt.

http://www.abs-cbnnews.com/video/global-filipino/09/29/15/sapul-sa-cctv-ofw-nanakawan-umano-ng-mga-tauhan-sa-naia

http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/metro-manila/09/29/15/4-na-empleyado-sa-naia-sinibak-kaugnay-ng-tanim-bala

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s