KAMAY NA BAKAL? O KAMAY NG KALINGA?

Pix-POE+DUTERTE

Kamay na bakal ang makatawag pansing alok ni Rodrigo Duterte. Parang si Robin Padilla na supporter niya. Macho at tigasin ang papel ni Duterte laban sa mga pusakal na kriminal na lipunan. Sino nga naman ang aayaw sa taong gustong ubusin ang lahi ng mga durogistang kriminal?

Kamay naman ng kalinga o “helping hand” ang alok ni Grace Poe at Mar Roxas. Una muna ay alok na tulong na lutasin ang iba-ibang suliraning panglipunan.  Gaya ng kawalan ng sapat na pagkain at trabaho, kalusugan at iba pa. At saka isunod ang pagsugpo sa kriminalidad.

Ano nga ba ang pangunahing problema araw araw ng lahat ng Pinoy, kasama na ang mga OFWs? Kriminalidad ba o kabuhayan?

Kung ating susuriin natin ng malalim – ito ay kabuhayan, hindi kriminalidad. Kaya nga narito tayong OFWs sa HK na malayo sa mahal sa buhay dahil kapos sa income opportunities sa ating bayan. Mabigat din sa ating isipan kung sapat ang kita ng mga mahal natin sa buhay sa Pinas at kung sapat ang serbisyong tinatamasa nila sa ating bayan.

Kamay na bakal? O kamay ng kalinga?

Dito na ako sa pangalawa. Ito ang mas higit na tutulong sa mga Pinoy na kailangang kumain ng tatlong beses sa maghapon araw araw. Kung gutom ang sikmura ng mga Pinoy, ano ba pakialam nila kung ang drug pusher sa kanto ay na salvage ng death squad o vigilantes? Sikmura nila at kabuhayan ang lagi nilang uunahin.

Kamay na bakal at pagpatay sa mga kriminal? Wala akong kabilib bilib sa ganitong pangunahing plataporma ng pagbabago. Sa biglang tingin ay nakakabilib. Pero kung iisipin ng malalim, ito ay nakakatawa. Dahil ito’y hungkag at hindi pinag isipan ng matino.

Malaking insulto rin sa mga Pinoy. Hindi dapat ituring na bobo ang mga Pinoy dahil may angkin silang talino kahit iba iba ang antas ng pinag-aralan. Lilipulin ang mga kriminal sa loob lang ng 3-6 na buwan sa 7,100 islands ng buong Pilipinas? Kahit si Panfilo Lacson na naging puno ng Philippine National Police (PNP) ay nagsabing ito ay imposible. Kaya paano magagawa ito ng mayor ng isa lang siyudad sa Mindanao na hindi man lang naging PNP chief?

Kaya ang ganitong pangako ni Duterte ay isa lang kayabangan at malaking insulto sa talino ng sambayanang Pilipino.

At kung mahusay na plataporma ang pagpatay sa mga kriminal, bakit walang lider sa Asia, Europe, North America at iba ibang bansa sa buong mundo ang gumamit ng paraang ito para mahalal sa gubyerno? Sadyang katawa tawa ang mga Pilipino kung ihahalal na presidente ang isang tao gaya ni Duterte na pagpatay ang bukambibig kahit pa mga kriminal ang gusto niyang patayin.

Katawa tawa ang mga Pilipino kung ihahalal ang isang gaya ni Duterte na ilang beses ng nagsabi na siya ay magiging diktador kung may humadlang sa mga gusto niyang pagbabago.

Ang mga pagbabago ay magagawa sa mapayapang paraan. Hindi sa pagpatay ng walang pakundangan. At hindi sa pagiging diktador na magtutulak na mag alsa ang mga mamamayan, kabilang na ako, na handang ipaglaban ang demokrasya ng ating bayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s