SAPAT BA ANG PALIWANAG NI DUTERTE UKOL SA BIRO NIYA SA AUSTRALIAN MISSIONARY NA NI RAPE AT PINATAY?

PIX-Duterte-Black&White

“Ang ganda pala niya . . .  sana ang mayor muna ang nauna . . . ”

Putol o bitin ang sinabi ni Rodrigo Duterte ukol kay Jacqueline Hamill, 36, isang magandang Australian missionary na isa sa mga ginamit na hostage ng mga preso sa isang kulungan sa Davao city noong 1989. Ginahasa siya ng ilang preso bago brutal na pinatay.

Kung bubuuin ang sinabi ni Duterte ay ganito ang kalalabasan — “Ang ganda pala niya . . . sana ang mayor muna ang naunang nakipagromansa sa kanya.” Ang binuo kong pangungusap ay hindi guni guni o kathang isip. Kahit Grade 3 lang na estudyante ang ganito rin ang iisiping kahulugan ng binitawang salita ni Duterte.

Binitawan ni Duterte ang biting pangungusap na iyan noong Biyernes, April 15, sa isang malaking political rally niya sa Laguna para magpatawa o magpa cute o ipagmalaki marahil ang tapang niya, lalo pa’t nag order siya ng shoot to kill sa mga presong nang hostage.  Gusto niyang makuhang lahat ang boto ng mga dumalo kaya’t nagpa cute siya at ipinagmalaki niyang matapang siya at karapat dapat na iboto bilang bagong presidente ng Pilipinas.

Pero kung ang kwento ng brutal na pagpatay sa sarili mong anak o kapatid na babae ay ginamit ng isang pulitiko gaya ni Duterte para magpatawa at magmalaki para lang makakuha ng mga boto, ano ang mararamdaman mo? Tuwa o galit?

Mauunawaan mo ba ang paliwanag niyang — “sinabi ko lang iyon dahil sa aking malaking galit ng oras na iyon”? Mauunawaan mo ba ang sinabi niyang “Ang ganda pala niya . . . sana mayor muna ang nauna”? Mauunawaan mo ba ang sumaksak sa isip niya na brutal na ngang pinatay ang anak o kapatid mong babae pero naisip pa rin ni Duterte na romansahin ito dahil sa ganda niya?

Sex maniac ba siya na matapos makita ang bangkay ng Australian missionary na brutal na pinatay ay sex o pagnanasa pa rin ang isa sa mga bagay na pumasok sa isip niya?

Anong klaseng kabuktutan ng isip meron ang taong gaya ni Duterte na sa harap ng brutal na pagkamatay ng isang missionary ay pag-iisipan pa niya ito ng kahalayan? Anong klaseng kabuktutan ng isip meron si Duterte na hindi man lang naisip na napakasakit sa mga kaanak ni Hamill sa Australia na ginamit niyang biro para tumawa ang kulang kulang sigurong 5,000 o 10,000 katao sa rally niya ang isang brutal na pagkamatay para lang makapagmalaki siya kung paano niya labanan ang krimen?

Ang biro o pagmamayabang na ginawa niya ukol sa pagnanasa niya sa isang biktima ng brutal na pagpatay ay hindi lang dapat tingnan na isa lang biro. Hindi lang ito isang kaso ng pagkadulas ng kanyang dila. Hindi lang ito isang simpleng kaso ng kanyang kabastusan na aminado siyang kinalakihan at kinasanayan niya.

Meron pang mas mabigat na kahulugan ang binitawang salit o “biro” ni Duterte sa gitna ng kanyang galit. Ang binitawan niyang salita ukol sa pagnanasa sa isang biktima ng brutal na pagpatay ay sumasalamin o malinaw na palatandaan ng takbo ng kanyang isip na baluktot at hindi matino ang takbo.  Sa puntong ito, ang baluktot niyang isip ay walang pagkakaiba sa isang taong lulong sa droga na sira na ang matinong pag-iisip.

What he has is an immoral and evil mind no different, if not even worse, than that of a serious drug abuser whose sanity has been destroyed by dangerous drugs.

Sino nga bang matinong lalaki at sinong matinong leader ng bayan ang mag-iisip ng sex o kanyang pagnanasa sa harap ng bangkay ng isang magandang babae na brutal na pinatay? Dapat isipin ito ng lahat ng supporters ni Duterte — ano ang mararamdaman at iisipin nila sa isang tao, gaya ni Duterte, na nag-isip pa ng kahalayan sa kapatid o anak na babae matapos itong halayin at patayin.

Kung sa isang insidenteng ito ay malinaw na ipinakita niya ang kabuktutan ng kanyang isip, ano ano pa ang mga kabuktutan ang pwede niyang gawin lalo pa kung maging presidente siya ng Pilipinas?

At sinabi na niya ng paulit ulit ang balak niyang gawin– ayos lang sa kanya ang patayin ang mga kriminal para lang masugpo ang kriminalidad. Tuwang tuwa sa ganitong pangako niya ang kanyang mga supporters.

Pero paano pagtitiwalaan sa isang napakaselang bagay — ang pagsugpo sa krimen — ang isang taong hindi nga matino ang takbo ng isip? Paano at bakit ipagkakatiwala ng mga Pilipino ang kanilang kabuhayan at kinabukasan sa isang taong gaya ni Duterte na sunod sunod ang mga binibitawang salita na binabawi rin agad niya matapos malamang palpak pala?

Saan na napunta ang katinuan ng isip at pinag-aralan ng mga supporters ni Duterte kung isusugal nila ang kanilang kabuhayan at kinabuksan sa isang tao o trapo (traditional politician) na mahusay maglubid ng kaiga-igayang mga pangako, gaya ng paglipol sa mga kriminal, kahit marami ay mahirap paniwalaan?

Talaga bang uto uto na ang maraming Pinoy at basta na lang maniniwala sa mga pangako ni Duterte kahit hindi ito inaral ng malalim at malinaw?

Hindi nararapat iboto ang gaya ni Duterte para maging presidente dahil sa baluktot niyang pag-iisip. Mas dapat isipin ng mga botante ang ibang mas matino ang pananaw sa buhay, paninindigan, kakayahan at malasakit sa bayan, gaya ni Mar Roxas o Grace Poe.

Please see web links below for more information about Duterte’s latest absurdity:

ttp://www.bbc.com/news/world-asia-36067011

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s