ANALYSIS: TRAPO O HINDI TRAPO? SINO ANG MAS MAGANDANG IBOTO NG MGA OFWs?

PIX-Duterte+Poe

Maraming OFWs ang bilib na bilib kay Rodrigo Duterte. Kahanga hanga kasi ang tapang niya dahil pagpapatayin at lilipulin daw niya ang mga kriminal sa loob lang ng 3 o 6 na buwan — isang bagay na di pa nagawa sa buong mundo ng kahit na sinong lider na kumandidato para maging puno ng kaniyang bansa.

Sa ganitong kaikling panahon o sa loob lang ng isang taon ay ganito rin daw ang gagawin niyang paglaban sa corruption sa gubyerno — pero ang corruption ay problema na ng Pilipinas simula pa nang makuha ng Pinas ang kalayaan mula sa Amerika noong 1935!

Kung iisipin ng malalim ang mga pangako ni Duterte, ang mga ito ay nakakatawa dahil hindi kapani paniwala. Katawa tawa ang kanyang mga pangako dahil sa buong mundo — sa Asia, North America, Europe at iba ibang pang bansa — ay wala kahit na sinong lider na nagawang lipulin ang mga kriminal sa buong bansa pati na ang corruption sa loob lang ng 6 na buwan o isang taon.

Pero paulit ulit ang pangako niya dahil umaasa siyang mabilog niya ang ulo ng dilat ang mga mata ng mga OFWs at iba pang mga Pinoy? Ano turing niya sa mga OFWs at iba pang mga Pinoy sa Pinas? Bobo at tanga na hindi mapag iisip-isip na ang kanyang mga pangako ay wala namang sapat na basehan para paniwalaan?

Porke nangako ba siya ng ganon — na lipulin ang mga kriminal at corruption — ay paniniwalaan agad siya sa kanyang mga binitawang salita at mga pangako?

TRAPO O HINDI TRAPO

Ang pinakamalaking problema sa mga trapo o traditional politicians na matagal ng nanungkulan sa gubyerno ay wala ka halos makita na mayor, governor, congressman o senator o kahit pa mga cabinet secretaries na walang bahid na corruption.

Sa mga OFWs, sinong mayor o governor o congressman ninyo na matagal ng nakaupo na walang alingasngas na pumitik o nagnakaw ng pera ng bayan sa mga ghost o overpriced projects o ghost employees o pundar na mga mansion nilang bahay at maraming sasakyan na  di naman nila kikitain sa suweldo sa public service?

Mabibilang sa daliri ang mga trapo na hindi sangkot sa katiwalian at kapani paniwala ang mga binibitawang election promises.

Si Duterte ay 22 taon ng mayor o iba pang posisyon sa Davao city kaya siya ay trapo o traditional politician. Kapani paniwala ba ang ipinagmamalaki niya na ang Davao ay isa sa pinaka safe o ligtas na siyudad sa buong Pilipinas at kahit sa buong mundo? Kung tutoo nga ito e bakit hindi niya maitanggi ang ulat ng Pilippine National Police (PNP) na ang Davao city ay pang apat na may mataas na krimen. Una ay Manila, pangalawa ang Quezon city at pangatlo ang Cebu city.

Kaya paano niya lilipulin ang mga kriminal sa buong bansa sa loob lang ng 6 na buwan kung sa loob ng 22 taon na kontrolado niya ang Davao e mataas pa rin ang krimen sa kanyang siyudad? Malinaw na ang pangako ng trapong ito ukol sa peace and order ay hindi makatotohanan at pawang kasinungalingan lang.

At kahit nga sa US na super unlad at makabago at super dami ang mga crime-fighting equipment at mga ahensiya ay walang sinumang kandidato sa pagka presidente sa November 2016 na nangakong sa loob lang ng 6 buwan ay lilipulin niya ang mga kriminal. Kaya mas mahusay ba si Duterte kaysa kay Hillary Clinton o Donald Trump o Bernard Sanders sa pagsugpo sa krimen kahit ang US ang leading superpower sa buong mundo?

Kaya sa aking pananaw ay pawang kalokohan at pambibilog lang ng ulo ang pangako ni Duterte na lipulin  ang mga kriminal sa loob lang ng 6 buwan.

Si Grace Poe ay apat na taon pa lang ang karanasan sa public service. Pero mas gugustuhin ko pa ang hindi trapo gaya niya dahil hindi sanay sa kasinungalingan at pambibilog ng ulo gaya ni Duterte. At dahil baguhan siya sa public service, malamang na magpapakitang gilas siya ng husay na mamuno ng bansa.

Bakit mas okey pa ang trapo kaysa sa hindi trapo? Ang hindi trapo at baguhan sa public service ay tiyak na magdadala ng mga pagbabagong at fresh ideas at fresh energy na hindi pa nakita dati sa pamahalaan.

Kung tunay na pagbabago ang hanap ng mga OFWs at iba pang mga Pinoy, mahirap makita ang mga ito sa isang trapo o isang pulitikong tumanda na sa madalas ng mga kalokohan, palusot at pag gamit sa hindi tamang paraan ng pera ng bayan. How can you teach an old dog new tricks? Ang kasabihang ito ay madalas na gamit sa mga trapo o beteranong mga pulitiko.

Ang isang tao ba na hindi pa matagal sa public service ay walang kakayahang mamuno ng bansa? Hindi. Ang gagawin lang niya ay gagamitin niya ang kanyang talino at malasakit sa bayan para pumili ng mga mahusay na opisyal para mapatakbo ng mahusay ang pamahalaan.

Si Ronald Reagan ay dating artista bago siya tumakbo at nanalo bilang presidente ng US. Wala siyang karanasan sa public service bago siya tumakbong pangulo. Pero siya ang isa sa pinakamahusay na naging presidente ng US. Dalawang beses pa siyang naging presidente ng US dahil mahusay ang kanyang pamamahala.

Kaya isa bang mahusay na alternibo si Poe na hindi trapo kung pambibilog lang ng ulo ang mga pangako ni Duterte? Bakit hindi? Kung sa US ay nangyari na ito, bakit hindi sa Pinas lalo pa mahusay naman ang ipinamalas na galing, talino at leadership qualities ni Poe sa Senado lalo na bilang chairman ng ilang public hearings, kasama na ang Mamasapano massacre kung saan matatag at walang takot niyang itinuro si President Aquino bilang pinakahuling may responsibilidad sa kapalpakang massacre ng 44 na police commandos.

Mas bukas ang aking isipan at mas katanggap tanggap sa akin ang maging susunod na presidente na hindi trapo at makatotohanan — kahit hindi exciting tulad sa pelikula — ang mga pangakong pagbabago. Tulad ng mga magandang ginawa ni Reagan sa US noong naging two-term president siya, mas umaasa ako ng mga positive na pagbabago kung si Poe ang maging susunod na presidente.

KAWAWA ANG OFWs KUNG SI DUTERTE ANG MAGING PRESIDENTE

Maraming OFWs ang tuwang tuwa at umiidolo kay Duterte dahil sa pangako niyang pagpapatayin ang mga kriminal at iba pang mga radikal na pagbabago. Isa na dito ay kung hadlangan daw siya sa ng Congress sa kanyang mga pagbabago ay ipapasara niya ang kongreso. At kung umalma rin ang Supreme Court — na malamang na mangyari dahil super dami ang reklamo laban sa paglabag ng human rights sa mga pagpatay sa mga kriminal at suspects pa lang — malamang na ipasara din niya ang Supreme Court.

Kung ipasara ni Duterte ang Congress, tiyak na papalag at lalaban sa kanya ang mahigit na 200 congressmen at 24 senators. Kung ipasara niya ang Supreme Court, tiyak na kalaban niya ang 15 justices nito na mga pinaka senior judges sa pinakamataas na hukuman sa buong bansa.

SERIOUS POLITICAL CRISIS ang mangyayari kung mahigpit na kalaban ng isang presidente ang Congress at Supreme Court na tiyak na kakatigan din ng Catholic church at iba iba pang malalaking religious groups gaya n Iglesia ni Cristo.

SERIOUS ECONOMIC CRISIS naman ang kasunod ng krisis na politikal. At mabigat ang diretsong tama nito sa mga OFWs at mga mahal nila sa buhay sa Pinas. AKung magkaroon ng mabigat na political crisis sa Pinas, malamang na hindi pumasok ang mga bagong foreign investors o companies. Pwede ring magsara ang iba ibang foreign companies sa Pinas kung patuloy ang political crisis.

Tanggal sa trabaho ang mga kaanak ng OFWs kung magsara ang mga foreign companies na matatakot sa political crisis sa bansa. Ang mga bagong graduates naman na mga anak o kaanak ng mga OFWs ay mas lalo ring mahihirapan sa paghahanap ng trabaho sa Pinas kung maraming foreign companies ang matakot na magtayo ng negosyo sa Pinas dahil sa political crisis dito.  Sa buong mundo, takot magtayo ng negosyo ang mga foreign investors sa mga bansa na merong mabigat na political crisis.

Mapipilitan rin ang mga OFWs na dagdagan ang padala nilang pera sa pamilya sa Pinas dahil malamang tumaas ang mga presyo ng mga bilihin kung babagsak ang halaga ng piso laban sa dolyar dahil sa political crisis sa Pinas. Ibig sabhin nito ay maghihirap ang buhay ng mga kaanak at pamilya ng mga OFWs sa Pinas dahil sa political crisis sa ating bayan.

SEROUS SOCIAL CRISIS. Maraming OFWs at mga Pinoy sa Pinas ang tuwang tuwa sa pangako ni Duterte na lilipulin niya ang mga kriminal sa loob lang ng anim na buwan, lalo na ang mga drug traffickers at pushers. Nakakagalit nga naman ang mga murder with rape ng mga babae, kasama na ang mga paslit at teen agers, ng mga lulong sa droga.

Pero pagpatay lang ba sa mga kriminal ang tanging mahusay na solusyon sa problemang ito? O mas mahusay na harapin ang ugat ng krimen, gaya ng pagpapaigting na tulungan ng mga barangay, mga pulis, anti-drug enforcement , NBI at iba iba pang ahensiya laban sa krimen — bago pa lumala ng husto ang krimen? Kung basta lang papatayin ang mga kriminal at hindi puputulin ang ugat ng krimen ay hindi kailan man matitigil ang pagsulpot ng mga kriminal.

At kung anim na buwan lang ang ibinigay ni Duterte na deadline sa sarili niya para ubusin ang mga kriminal sa buong bansa na may mahigit 7,000 islands, malamang sigurong 500 o 1,000 na kriminal ang patayin araw araw!

Araw araw na patay ng mga 500 o 1,000 o mahigit para malipol lang sa loob ng anim na buwan ang mga kriminal?

Sa unang ilang araw malamang matuwa ang mga fans ni Duterte. Pero matapos ang isa o dalawang linggo, hindi ba sila mangingilabot sa walang katapusang patayan? At paano kung merong kapamilya o kaanak o kaibigan ang mga OFWs na napagkamalan lang na kriminal pero napatay agad dahil nga may deadline si Duterte na pagpapatayin ang mga kriminal sa buong bansa? Paano ang saan magrereklamo ang mga OFWs kung ang patakran ng presidente ay lipulin ang mga kriminal — kahit mga suspects pa lang?

Thou shalt not kill — isang utos ng Diyos sa 10 Commandments. Mahjigit 80 porsiyento ng mga Pilipino ay Katoliko kaya paano matatanggap at susuportahan ng mga Pilipino ang paglabag sa isang haligi ng 10 Commandments? At malamang na aangal ang Catholic church, Iglesia ni Cristo at iba ibang religious groups sa Pilipinas sa maramihang pagpatay ng mga kriminal pati na mga suspects pa lang.

Marami sa mga supporters ngayon ni Duterte ngayon ay tiyak na mahaharap sa moral at social crisis. Kung ang pangaral ng mga religious leaders nila ay mali ang malawakang pagpatay at tutulan ito, sino ang susundin ng mga OFWs at ng mga Pinoy sa Pinas?

 

 

 

 

 

 

RODRIGO DUTERTE BACKS OUT FROM WAR WITH CATHOLIC CHURCH

Pix-CBCP-Villegas

Controversial Davao city Mayor Rodrigo Duterte nearly committed a terrible mistake by picking up a big and meshy fight with the Philippines’ influential Catholic church.

This morning, he apologized to the Catholic church for cursing Pope Francis on Nov. 30 in a public speech for causing massive traffic jams in Manila during the pontiff’s visit to the Philippines in January this year.

However, both sides have already traded quick punches against each other before Duterte issued his apology — after presumably being warned by his advisers that a bitter war against the Catholic church could mean a quick end to his presidential ambition.

Responding to Duterte’s unwarranted attack on the Pope, Archbishop Socrates Villegas, the most senior leader of the Catholic church in the Philippines, issued a statement denouncing the Davao city mayor’s disparaging remarks toward the Pope and questioning his credentials and fitness to become the next president of the country. His statement that was widely disseminated by the media can be read in this web link — http://www.cbcpnews.com/cbcpnews/?p=68684

Villegas is currently president of the influential Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBC P). Retired archbishop and former CBCP president Oscar Cruz also denounced Duterte and described him as “dangerous” to have as the country’s next leader. He added the country has already seen and experienced what it was like to live under a dictator and he wondered if Filipinos will want to live under another dictatorship — in apparent reference to Duterte.

Stung by quick tirades from Catholic church leaders, Duterte slammed Catholic church leaders for keeping quiet and failing to take actions against priests and other members of the church who have sexually abused minors or had children out of wedlock from parishioners. Duterte also threatened to reveal the name of a member of the religious who allegedly abused him sexually, together with other boys, while he was studying at Ateneo de Davao.

Until last night, Duterte was gearing up for a big war with the Catholic church, attacking the latter for deviant sexual abuses of some of its members — easily one of the weakest and most sensitive spots that the  Catholic church always avoids like a plague.

But in a dramatic retreat, Duterte issued an apology to the Catholic church this morning. Presumably, his closest advisers must have warned him that declaring war with the Catholic church will sink his ambition to become the next president of the country.

Duterte will never win the presidency if he picks up a big fight against the Catholic church — even if the Catholics won’t provide a bloc vote unlike the Iglesia ni Cristo religious group.

But realities are realities. There’s no changing quickly and significantly certain realities in the Philippines — and aspiring politicians like Duterte and his rivals in the presidential race should recognize this.

With about 80 per cent of the country’s 100 million population comprised of Catholics and Catholic leaders now openly speaking out against the “evils” of Duterte’s brand of leadership, his feud with the church must have inflicted significant damage to his presidential bid. Outpouring of support for the Pope and denunciations of Duterte in the traditional and social media will bear this out.

Even in the remotest villages across the country’s, there’s an army of Catholic priests and pastors who provide services to the poorest of the poor. Pastoral letters from the Catholic Bishops of the Philippines, denouncing the “evils” of a Duterte national leadership will certainly damage his ambition to become the next president. This extensive national network of churches and chapels and an army of priests and civilian volunteers are vital elements that Duterte and his vice presidential running mate, Peter Cayetano, do not have.

Catholic church leaders and priests openly speaking out against a Duterte presidency will serve as the single biggest nemesis of the feisty Davao city mayor — more than the competition posed by presidential rivals Jojo Binay, Grace Poe and Mar Roxas.

Will Duterte’s apology repair completely his relations with leaders of the Catholic church? It looks unlikely. The damage has already been done. He can no longer take back his punches at the Catholic church.

Duterte has already shown to everyone that he can and will attack anyone even without the slightest provocation or any justifiable or valid reason. His choice of language — often marked by expletives — and his mercurial frame of mind — coupled with revelations that his claims to law and order and governance success in Davao city may not be rock solid — now raise big questions on whether or not he is the best choice for the next president.